Nakuntento na si Veron sa pagtanaw sa mag-inang Sabrina at Sheena mula sa malayo habang sakay siya sa loob ng taxi na sandaling pinatigil niya sa kanto malapit sa Preschool Center na pinapasukan ng bata. Kaya pala talagang sa unang pagkakataon pa lang na nasilayan niya ito'y nais kaagad na makagaanan ng loob niya kasi pamangkin niya. And she knew she couldn't be wrong. Malakas ang lukso ng dugo at ang radar ng ngayo'y pagiging tita na niya. She watched as Sabrina hugged Sheena and Sheena kissed her mom's cheek before going inside the school's premises. Siniguro naman muna ni Sabrina na nakaabot at nakapasok hanggang sa classroom nito ang anak bago ito sumakay nang muli sa kotse nito at umalis. Tanghali kasi ngayon at dahil hindi pa rin siya lubayan ng pag-iisip tungkol sa mag-ina ng kap