"Anyway, Madam, meet the new loyal client of Timeless Salon. Si Veronica." Tinuro ni Feli si Veron kaya bahagyang tumalikod at nag-iwas si Vito upang hindi siya makita ng ex-girlfriend na si Sabrina. Veron smiled with fondness to Madam. And Sabrina removed her sunglasses as she smiled back at their girlie client. Bahagya pa ngang kinaway niya ang kamay. "Hello, Veronica." Lumapit si Sabrina kay Veron para maglahad ng kamay. Kaagad naman itong pinaanyayahan ng dalaga. "Hello, Madam. Nice to meet you po." "Nice to meet you. Enjoy your hair treatment." "Sige po. Thanks po. Anyway, Madam, ang ganda niyo po pala! Tama ang sinasabi ng mga kasama ninyo dito na napakaganda niyo raw po!" Kinilig si Sabrina sa papuri. "Asus! Talaga? Sinabi nila sa 'yo 'yan?" Tumangu-tango si Veron. "Opo, Ma