"Sab, himala yata at hindi ka nakapanuod ng practice namin kahapon? May nangyari ba?" Abala sa pagsusulat si Sabrina sa kanyang binder ng pointers na sinulat ng subject teacher nila sa white board marker nang lumabas ang nasabing guro sandali at iniwanan muna sila kaya nakahanap si Vito ng pagkakataon na puntahan sa kanyang seat si Sabrina at maupo sa bakanteng seat sa tabi ng dalaga para magkausap sila. "Na-busy lang saka napagod at inantok ako sa trabaho kaya pagkauwi ko, hindi ko namalayang nakatulog na agad ako," plain na aniya habang patuloy sa pagsusulat at hindi man lang tapunan ng tingin ang katabi. Nakakaintinding tumangu-tango ito. "Ah, kaya pala. Anyway, at least you should've responded to my texts para hindi ako nag-aalala na kung may ano nang nangyari sa 'yo." She just sim