Hindi halos pinatulog ng buong magdamag si Vito ng alaala sa muli nilang pagkikita ni Sabrina. Six long years… pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sabrina thought she had fooled him, but it was, actually, him who fooled her one big time! After doing what Brielle wanted him to do, at nang masaktan nga nila si Sabrina, bigla na lang na naglahong parang bula ang huli at 'yung sa party, kung saan nila ito pinahiya, doon din ang huling beses na nakita niya ang dalaga. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, umalis ito nang walang paalam. She left without a trace. Tulad ng pinakainaasam niya, naging sila nga ni Brielle at naging girlfriend nga niya ang dream girl niyang hindi lang ubod ng ganda kundi parehas din niyang studious at matalino sa klase. Naging sila nga at matagal din ang pangl