As expected, Sabrina chose the organization more than her date with Vito. “Vito, pasensya ka na, pero kailangan ko nang umalis. Si Liz kasi, eh, tumawag,” apologetic na aniya kay Vito matapos ang usapan nila ng isa sa leaders ng SMBMA. Gumuhit na naman ang pamilyar na pagkadismaya sa reaksyon ng mukha ng binata. Actually, he wasn’t any longer surprised or what. It seemed like he already knew it coming, and that he knew very well that over that organization versus him, eh, ‘yung SMBMA talaga ang pipiliin ng nobya na willing itong i-set-aside ang quality-time sana nila together. “Vito, huwag ka namang magtampo, oh. Intindihin mo naman ako, mahalaga sa akin ang involvement ko sa organisasyong ito.” “At ako, Sab? Paano naman ako? Hindi ba ako mahalaga sa ‘yo? Ganyan ka naman lagi, eh, mas