“Madam Rina?” Napalingon si Sabrina sa tinig na tumawag sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa isang convenience store at may bibilhin lang saglit kaya napadaan dito. Pagkatapos nito ay may iba siyang mas importanteng pupuntahan at susunduin… Lumapit ang amazed na dalaga dahil tulad niya malamang ay hindi nito inaasahang makikita siya ngayong araw… “Madam Rina, ikaw nga ‘yan!” Nakatitig siya sa babae. Genuine ang tuwa nito na makita siya. “Anong ginagawa mo dito, Madam? Nakakatuwa naman at nakita kita dito!” patuloy pa nga nito sa magiliw na sinasabi. Sabrina couldn’t say anything but just kept on looking at the young beaut in front of her. Pamilyar ang pangkolehiyong unipormeng suot nito. Malamang ay doon din ito nag-aaral sa unibersidad kung saan nag-graduate ang kapatid nito. Ang kuy