Ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam ni Michelle. Ipinagtataka niya kung bakit tuwing umaga kapag nagigising siya ay nahihilo siya at nasusuka. Ilang araw na rin siyang walang ganang kumain. Pakiramdam nga niya ay nabawasan na ang timbang niya. Kalalabas lang niya ng banyo, katatapos lang niyang sumuka, wala naman siyang mailabas dahil wala namang laman ang sikmura niya wala naman kasi siyang gaanong kinakain. Pabalik na siya sa kaniyang kama ng mapatingin siya sa kaniyang study table. May maliit na kalendaryo na nakapatong sa ibabaw niyon. Binibilugan niya ang araw kapag may importanteng okasyon. Bigla siyang natigilan ng may pumasok sa isip niya. Walang bilog sa kalendaryo ang araw na dapat ay dinatnan siya ng buwanang dalaw. Dapat a-singko pa lang ay nagkaroon na siya ngunit

