Hindi maipaliwanag ang saya na nadarama ni Clark habang nakikita ang kaniyang asawa na naglalakad sa aisle. Napakaganda nito sa suot na puting wedding gown. Kumikinang ito sa liwanag. Ang mga kombinasyon ng mga perlas, sequence, beads at swarovski crystal na pinagsama-sama at mano-manong ikinabit sa suot nitong traje de boda ay talaga namang agaw pansin. Tumingala siya para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak sa kaniyang mga mata. Biglang bumalik sa alaala niya noong una silang ikasal ni Isabela sa London. Nakaramdam siya ng matinding pagsisi kung bakit hindi niya ito na-appreciate nang mga panahong iyon habang nakasuot ng damit pangkasal. Minsan lang kung mag-ayos ang kaniyang asawa, kapag meron lang mahahalagang okasyon. Gustong-gusto niya ang kasimplehan nito na kahit hindi magla
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


