"Ano ang ibig sabihin nito, Clark? Ikaw ang naglagay ng singsing na 'to sa daliri ko 'di ba?" salubong na tanong ni Isabela sa asawa. Itinaas niya ang kanang kamay para ipakita rito ang singsing na nakasuot sa daliri niya. Tiningnan lang siya nito ng makahulugan, maya-maya ay nangunot ang noo nito. "Yes. Why? Is there something wrong with that? Sa tono ng pananalita mo bakit parang napakasama naman ng nagawa ko? Relax, it's just a ring," nang uuyam na sabi ng doktor sabay ngisi. Biglang natigilan si Isabela. Nakaramdam siya ng inis kay Clark. Kung paano nito sagutin na para bang nang iinis pa ang tanong niya ay lalong nakakapag init ng ulo. "Gusto ko lang malaman kung para saan 'to?" tanong na naman niya. "Wala lang, naisip ko lang na kasal tayo kaya dapat may suot kang wedding rin

