Matapos maisaayos ang mga kompromiso ay tumulak pabalik ng New Zealand si Ice para damayan si Isabela. Na-discharge na sa ospital si Uno nang dumating siya, maayos na ang kalagayan nito ngayon. "Salamat at dumating ka," ani Isabela sa binata. "I'm sorry kung ngayon lang ako nakabalik. Dapat noon pa, kaya lang hindi ko kayang basta na lang hindi siputin ang mga schedule ko." "Ayos lang naiintindihan ko, nagpapasalamat nga ako sa'yo. Hindi mo kami obligasyon ni Uno pero lagi ka pa ring nand'yan para sa amin." Gabi na ng dumating ito, tulog na si Uno at hindi nito nakita ang pagdating ng kaniyang Tito Ice. "Matulog ka na muna, alam kong pagod ka sa biyahe. Gusto kong mag usap tayo bukas, may mahalaga akong sasabihin sa'yo," ani Isabela. Napaisip si Ice. Naging curious itong malaman k

