Naglalakad si Vergilio, gabi na ngunit sinadya pa rin niyang puntahan ang bahay ng dati niyang amo. Ang mag asawang Amalia at Steve Carter. Dati siyang namamasukan sa mga ito bilang kanilang family driver. Nang malulong siya sa sugal at nagkabaon-baon siya sa utang ay hindi niya alam kung paano ito babayaran. Hanggang sa maisipan niyang isanla ang kwintas na pamana sa kaniya ng kaniyang Lolo Geraldo. Ang sabi nito ay ibigay raw niya ang kwintas na ito sa panganay na anak niyang babae dahil napakahalaga raw ng kwintas na iyon at iyon ang magpapabago ng buhay ng kaniyang anak. Kaya lang dahil nga nalulong siya sa sugal ay naging gahaman sa pera si Vergilio. Isinanla niya sa amo niya ang kwintas na sana ay ibibigay niya sa anak na si Ponyang bilang regalo sa ika 18th birthday nito. Nagkas

