Dali-daling tinawagan ni Hallie ang asawa. At napahawak ito sa kaniyang maumbok na tiyan. "No ... Noooo!" napasigaw siya nang mag-ring ang phone ni prince Yao-Yee sa loob ng kanilang comfort room. "Master ... Master ... Master! Lolo ... Loooo!" pagsisigaw niya at narinig naman ito ng lahat. Kaya nag-panic ang mga ito at napasugod sa ikalawang palapag. Kahit si Mr. Huang ay tarantang lumabas mula sa kaniyang library at inalalayan ng kaniyang bodyguard. "Lolooo ... Taaay ... Naaay!" muli niyang sigaw na hindi alam kung ano ang kaniyang gagawin at humagulgol na ito. "Apo, bakit?!" "Lolo, ang asawa kooo ... samahan ninyo ako puntahan natin ang asawa ko!" "Anak, dahan-dahan baka mapaano ang anak mo. Ano ba ang nangyari?" tanong ng kaniyang Tatay Grego. At nagkataon na wala ang kani