Sinalo ni Feah ang asido na pasa sana kina Zhyier at prince Llie-Yee. "Devorra?!" bulyaw ni prince Huang-Yee at itinulak niya ito. "Guard ... guard!" sigaw niya. "My God! Feah?!" bulalas ni Zhyier at dali-dali niyang sinilip ang mukha nito na patuloy sa pag-iyak. Lumapit rin si prince Llie-Yee upang makita ang sinapit ng pobre. "s**t!" Napamura siya nang makita ang kabilang mukha ni Feah. Natanggal ang balat nito at ganoon rin sa gabilang kamay niya. "Huang-Yee, tawagan mo ang driver!" "Okay!" "Guard! Huwag ninyong palabasin ang dalawang iyan! Dalhin n'yo sila sa faculty at hintayin ninyong dumating ang president!" galit na utos ni prince Llie-Yee. "Yes, young master!" tugon ng mga ito. "Hey! Don't touch me!" sabi ni Devorra. "Kaladkarin n'yo iyan!" galit naman na utos