Pagkaalis na pagkaalis ni Liam ay agad na lumapit sa kaniya ang anak at tila may gustong sabihin. Yumukod naman si Dani at bumulong ang anak. "Look at your pocket mommy," anito na tila may tinatago. Agad na kinapa ang bulsa ngunit wala naman siyang makapa. "Did you see something mommy?" Excited na tanong nito. Sumenyas siyang wala. "Sabi ni daddy tignan mo raw ang pocket mo?" Anito na bahagyang sumimangot na. Na-curious din siya kung ano ang sinasabi nito kaya muli niyang check ngunit wala talaga. Akala nga niya ay nahulog pa pero wala naman hanggang sa maalala ang suot na sweeter. Agad na kinapa ang may kalakihan nitong bulsa at nakapa roon ang isang bagay. Napahinto siya ng makapa iyon. Biglang kumabog ang dibdib niya hanggang sa ilabas iyon. Box iyon at kahit buksan iyon ay alam