Agad na kinarga ni Liam si Dani. Sa banyo ay malayang pinawi ang pananabik sa isa't isa. Kakaibang ligaya ang dulot noon sa kanilang dalawa. Hindi malaman ni Dani kung papaano siya tumutugon sa bawat halos at yakap ni Liam sa kaniya, ang importante ay mapawi ang tigang na damdamin dahil sa mga panahong nasayang. Kapwa hingal ay nagawa nilang marating ang langit. Hindi man alam ni Dani kung papaano sasalubungin ang tingin ni Liam. Hindi alam kung nahihiya ba siya o naku-conscious. Nang muling hawakan ni Liam ang pisngi niya ay hindi na siya nakaiwas pa. Habang nakatitig sa kaniya si Liam ay hindi niya namalayang bumuhos na pala ang kaniyang luha. "I love you and I'll promise to make you happy each day." Anito sabay pahid sa luha niya. Niyakap niya si Liam upang ipabatid na handa na siyang