AVERY Hindi ko alam kung anong oras ng nagising ako. Ilang ulit akong pumikit para sanayin ang mga mata ko sa liwanag, dahil pakiramdam ko ay nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nakatulog dahil magaan ang pakiramdam ko sa ulo ko. Nangangalay na rin ang likod ko at masakit ang buong katawan ko, lalo na ang mga kalamnan ko. Tahimik ang buong silid. Nakita kong natutulog sa sofa si Miss Ana na siya palang nagbabantay sa akin dito sa hospital. I wonder kung nasaan si Xander. Baka umuwi muna siya sa bahay, para magpahinga dahil narito naman si Miss Ana. Alam kong busy talaga ang asawa ko. Kulang na kulang siya sa tulog at halos walang maayos na pahinga sa dami ng appointment at meeting niya araw-araw. Muli ay pumikit ako at humihinga ng malalim. Hindi

