AVERY Ito ang unang pagkakataon na pumunta kami ni Xander sa bahay ng aking ama dito sa Taguig. Malapit lang ang lugar na ito sa Fort Bonifacio, kaya dito napili ni daddy na tumira. May malawak na subdivision pala na inilaan ang gobyerno para sa mga sundalong gaya niya, kung saan, pwede silang bumili ng bahay sa murang halaga. Simple lang ang bahay na tinitirhan ng aking ama, pero malinis at mahigpit ang security bago kami makapasok dito sa loob ng subdivision. Siguro ay dahil maraming mga alagad ng batas ang dito nakatira, kaya mahigpit ang checkpoint. Hindi pwedeng basta na lang pumasok, lalo na at gaya ng mga tauhan ng asawa ko na may dalang mataas na kalibre ng baril. Panay ang hagod sa likod ng palad ko ng hinlalaking daliri ng asawa ko, habang magkatabi kaming nakaupo dito sa

