AVERY Nadatnan akong tahimik na nakaupo at malayo ang tanaw, habang malalim na nag-iisip ni Xander nang sumunod siya sa akin dito sa garden. Hindi ko man lang napansin na malapit na pala siya sa akin, dahil ang layo na ng narating ng pag-iisip ko. Hawak ko pa rin ang cellphone ko at nakaupo lamang, habang nakatanaw ang mga mata sa malawak na bakuran. Pinagmamasdan ko ang mga halaman na para bang sumasayaw sa malakas na simoy ng hangin. Umupo sa tabi ko si Alexander at mabilis na dumukwang para halikan ako sa labi. Hinayaan ko lamang siya, hanggang kusang tumigil sa panghahalik sa akin. Para tuloy akong tuod na nakaupo sa kinauupuan ko, habang tuliro at naguguluhan, dahil sa tawag na natanggap ko. “Is there something wrong, baby?” tanong ni Xander sa akin. Siguro ay napansin niyang

