ALEXANDER As much as I don't like seeing my wife drawn with Miller's charisma, I had no choice but to let him enter my house again. Ang akala ko, si Dexon lang ang dumating, but I didn't expect to see Jared and Declan waiting for us, nang bumaba kami ni Avery, para kunin ang pagkaing pinabili ng asawa ko kay Miller. "What are you two doing here?" agad na tanong ko kina Declan at Jared. "Tinawagan kami ni Dexon," kibit balikat na sagot ni Declan. Napangisi ako. Talagang ayaw maghirap ng mag-isa ni Dexon, kaya tinawagan rin ang dalawa at ginulo ang tahimik na gabi ng dalawa, kasama ang mga asawa nila. Ngumiti si Miller sa asawa ko na alam kong excited sa tabi ko. "Here's your food, Avery. Enjoy," sabi ni Dexon na inabot sa asawa ko ang dalang pagkain. Kumukulo talaga ang dugo ko, ka

