ALEXANDER Hindi madali ang lahat para sa akin ngayong naka-confine dito sa hospital si Avery. Talagang nag-aalala ako para sa kalagayan ng asawa at anak ko. Hating gabi na, pero abala pa rin ako sa panonood ng mga CCTV footage sa loob ng hotel at sa shopping mall, kung saan kami pumunta ni Avery. Lahat ng mga tauhan ko na kasama namin sa resort ay isa-isang sumailalim sa lab test, however, none of them are infected with the same viral infection. Tanging si Avery lang ang may sakit ngayon at nakaratay dito sa hospital, which I found odd, dahil tanging sila lang naman ang nakasama ng asawa ko. Aside from them, pinapuntahan ko rin ang mga sales lady at staff sa mga shop at restaurant na pinuntahan namin ni Avery, pero lahat sila ay maayos ang kondisyon at negative ang naging results. I

