AVERY Ang awkward sa pakiramdam ngayong nakatingin sa akin si Xander. Maghapon ko siyang iniiwasan, pero heto at kaharap ko ngayon. "Are you okay, Avery?" tanong ni Xander na siyang unang nagsalita sa aming dalawa. Siguro ay napansin niya ang awkwardness na nararamdaman ko at mabilis na paghinga ko, dahil basta na lang ako nagmamadaling pumasok dito sa silid niya. Tumango lang ako at hindi nagsalita ng kahit ano. Tikom ang bibig na iniwan ko siya at pumasok sa banyo para maligo. Kailangan ko ito, dahil ang lagkit na nang pakiramdam ko sa katawan ko. Dahil alam kong kasama ko dito sa silid si Xander, kaya mabilis akong natapos maligo. Kinakabahan kasi ako na baka bigla siyang pumasok dito sa banyo at abutan akong hubo't hubad. Hangga’t kaya kong umiwas, gagawin ko. Agad na pumasok

