AVERY Naguguluhan ako kung bakit ganito ang sinabi ni Xander. Nakatayo lamang ako, kaharap niya, habang nakatitig sa kanya at hindi nagawang sumagot at magsalita. Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa at walang kahit na sino ang nagsalita, hanggang napaupo ako sa sahig at yumuko, sapo ang ulo at tahimik na umiiyak. Naguguluhan ako. Simula pa lang, alam na pala ni Xander na umiinom ako ng pills pero kahit minsan, wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya, kahit pa paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na gusto niyang magkaanak na kaming dalawa. Siguro ay gusto ni Alexander na kusa akong tumigil sa pag-inom ko ng pills, kaya hindi niya ako pinilit na mabuntis, pero sa sitwasyon namin, masisisi ba niya ako kung ganito ang ginawa ko? Gusto ko lang naman na protektahan k

