AVERY Masaya ang dalawang araw na naging bakasyon namin sa Subic. Kahit alam kong gusto pa nilang mag-stay doon, kinailangan na naming bumalik dito sa Maynila dahil Monday na at may pasok ngayong umaga sa school ang mga kapatid ko. "Bye, Ate Aves," paalam sa akin ni Aila. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. Hinatid ko sila dito sa driveway, kung saan naghihintay ang driver at bodyguard na maghahatid sa kanila sa school. Sinundan ko ng tingin ang papalayong sasakyang sinasakyan ng mga kapatid ko, hanggang mawala ito sa paningin ko. Nakasalubong ko si Carla nang pumasok ako, dala niya ang mop para maglinis sa malawak na receiving area. "Ma'am Avery, mabuti at wala kayo dito kagabi," halos pabulong at mahinang sabi ni Carla sa akin. "Ha, bakit naman?" curious na tanong ko. "Sumugod po

