ALEXANDER Kanina ko pa sinusubukan na magpaliwanag sa asawa ko, pero kahit anong gawin ko, galit talaga si Avery sa akin at kulang na lang ay bumulagta ako sa harap niya sa paraan kung paano niya ako ngayon tingnan ng masama, gamit ang matalim na mga mata. Galit na galit sa akin si Avery. Mukhang hindi rin maganda ang pakiramdam niya ngayon, dahil maputla siya at nakikita kong nanghihina. I hate seeing her like this, lalo na at alam kong ako ang dahilan kaya nagsuka siya. I wouldn't ever taste that liquor again. I didn't know na mabaho pala iyon at nasuka pa ang asawa ko ng maamoy ako. Hindi siya makatiis na manatili sa room namin, which is lalo lamang naging dahilan para magalit siya sa akin at additional mistake na nagawa ko, kaya pumangit tuloy ako sa paningin niya. Fùck, I hate i

