Chapter 79

2214 Words

AVERY Magulo ang isipan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito, dahil hindi ko kayang basta na lang ilabas dito sa hospital ng walang kasiguraduhan kung maayos na magagamot ba ang kapatid ko, kapag inilipat ko si Ailee sa public hospital. Litong-lito ako, habang nakatulala at pinagmamasdan ang walang malay at nakaratay na kapatid ko sa kamang hinihigaan niya. Ang sakit sa dibdib na wala akong magawa ngayon kung 'di ang umasa kay Xander para mabuhay ang kapatid ko, kahit kapalit nito ang masakit na insultong natanggap ko mula sa kanyang ama. Nag-uunahan na pumatak ang mga butil ng luha sa magkabilang mga pisngi ko. Ang sakit-sakit sa dibdib. Ang bigat sa pakiramdam na ganito ang sitwasyon namin ngayon. Ayos lang na ako ang nasasaktan, huwag lang ang mga kapatid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD