ALEXANDER Magulo ang buhok ni Diana and obviously, bagong gising siya, habang nakatayo sa harap ko at nasa likuran si Patrick na alam kong nakikiramdam sa aming dalawa. "So, tell me, Diana, anong pinag-usapan ninyo ni Avery kanina?" seryoso at mapanganib ang tinig na tanong ko sa babaeng kaharap ko. "What happened? Why are you questioning me like that, Alex?" tanong ni Diana, na alam kong hindi nagustuhan ang pagtatanong ko sa kanya. "Nagsumbong ba siya sa iyo?" Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "I'm asking you nicely, Diana. Don't make me repeat that," tiim-bagang na sabi ko at hindi sinagot ang tanong niya. "I don't know what she said to you, para gisingin mo ako ng madaling araw at tanungin lang tungkol dyan," mahaba ang nguso na sagot ni Diana. "Don't you dare test my pati

