AVERY Malaking bagay na nakapag-usap kami ni Xander tungkol kay Diana. Nawala ang bigat sa dibdib na halos isang linggo ko ng dinadala, dahil sa biglang pagdating dito ng babaeng iyon. At least ngayon, hindi na ako nagi-guilty na may batang affected sa sitwasyon naming tatlo, dahil sigurado si Xander na hindi siya ang ama ng batang pinagbubuntis ni Diana. "I can show you the DNA test results, kung hindi ka naniniwala na hindi ko nga anak ang pinagbubuntis ngayon ni Diana," sabi ni Xander ng hindi ako sumagot at nagsalita. "Paano kayo nagpa-DNA, eh, maliit pa lang naman ang tiyan ni Diana?" curious na tanong ko. Ang alam ko kasi, kapag gustong magpa-DNA, kumukuha ng sample sa bibig o kaya dugo sa isang tao para sa gagawing test, pero paano nila ginawa iyon? Bukod sa maliit pa ang tiyan

