AVERY Tama nga si Sir Xander, masarap maglakad-lakad sa dalampasigan ngayon. Malaki at bilog ang buwan, maliwanag ang buong paligid at napakasarap sa pakiramdam ang bawat pagtama ng ihip ng hangin sa balat ko. Magkasalikop ang mga kamay namin ni Sir Xander, habang naglalakad kami hanggang may nakita akong ilang upuan na gawa sa kahoy at tila ba sinadya, dahil nakapalibot ito sa dalawang mesa para marahil sa mga gustong mag-camping dito sa gilid ng dagat Mula sa kinatatayuan namin ay may natanaw rin akong maliit na bahay kubo na gawa sa nipa sa ilalim ng niyugan, ilang hakbang lang mula dito sa dalampasigan kung saan kami naglalakad ni Sir Xander. "Part pa rin ba ito ng resort mo?" tanong ko kay Sir Xander. "Yes," sagot agad niya. "How is it? nagustuhan mo ba dito?" Tumango ako at n

