AVERY Malakas na napasigaw ako ng makita kong dinamba si Jared ng isa sa mga alagang aso ni Xander at tuluyang hindi nakabangon ang kaibigan ng asawa ko. Kahit si Dexon ay hindi rin nakatakbo, dahil na-corner siya ng dalawa pang malaking aso. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, habang nasasaksihan ko, kung paano nakikipag-buno si Jared sa malaking aso, habang nagmumura ito at sinasaway naming dalawa ni Dexon ang hayop na tigilan ang kaibigan niya. “Adirah, stop them!” malakas na sigaw ni Dexon sa anak ko. Nakatayo lamang ang bunso ko, habang nakangiting nanonood. Pilya talaga ang batang ito at natutuwa pang nagkakagulo ang lahat ng dahil sa mga alaga niyang aso. “Ouch! Alexander, where the hell are you?!” malakas na tanong ni Jared. “I'm going to kill these fùcking dogs!” Nabaling an

