Chapter 107

2108 Words

AVERY Maaga pa lang ay nag-impake na ako ng mga dadalhin namin ni Xander papuntang Russia. First time kong aalis ng bansa, at sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako, pero nilakasan ko ang loob ko, dahil kasama ko naman ang asawa ko. Alam kong kaya dito naglalagi sa Pilipinas si Xander ay dahil sa akin. Panatag naman ang loob kong umalis, dahil mas maayos na ang kondisyon ni Ailee, simula ng nagkaroon siya ng personal dietary doctor na nagsu-supervise sa food intake niya. Lagi rin pumupunta dito sa bahay si Amara at kinakamusta ang lagay ni Ailee. Narito rin si Doctor Jaime. Personal kong ibinilin sa kanila ni Melanie ang kapatid ko, at gano'n rin kina Aila at Arnel. "Ready?" tanong ni Xander mula sa likuran ko. "Oo, tapos na ako," nakangiting sagot ko. Nakabihis na rin siya at ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD