AVERY Magkatabi kaming nakaupo ni Xander dito sa malambot at malapad na sofa sa loob ng room naming dalawa, habang nanonood ng English movie na napili niya. Magandang bonding rin ang ganito, lalo na at napagod ako kanina sa theme park, kaya hindi ko na nga natapos ang palabas at nakatulog ako sa tabi ng asawa ko. Dahil kumain naman na kami, hindi na ako ginising ni Xander at hinayaan na lang na matulog ng asawa ko. Gabi na nang nagising ako. Nagisnan kong tahimik na dito sa loob ng silid at kaharap ni Xander ang laptop niya at abala siya sa ginagawa. Naka-off na rin ang malaking screen at mukhang tapos na ang palabas. Dahan-dahang inalis ko ang makapal na kumot na nakabalot sa katawan ko at pagkatapos ay bumangon na. "What time na?" mahina ang tinig na tanong ko kay Xander. Nag-

