AVERY Limang itim na mga sasakyan ang naghihintay sa amin ni xander nang lumabas kami sa airport. Armado ang mga tauhan niya at para bang susugod sa laban dahil ang hahaba ng nakita kong baril na sukbit nila. Sila rin ang convoy na kasama namin mula sa airport, hanggang dito sa bahay. Ka-papasok pa lang ng sasakyan na sinasakyan namin ni Xander ay natanaw ko na agad na nag-aabang sa driveway si Ailee, kasama si Aila at pati na rin sina Melanie at Carla. "Ate Aves!" malakas na sigaw ni Ailee nang bumaba ako sa kotse. Malaki ang mga hakbang na lumapit ako sa mga kapatid ko at isa-isa silang niyakap. "Nasaan si Arnel?" nagtataka na tanong ko kay Aila. Siya lang kasi ang wala. Sigurado namang alam niyang ngayon kami darating ni Xander dahil kausap ko si Aila kanina sa airport, pero hi

