AVERY Tahimik na nakatingin ako sa malaking screen sa harap ko at pinagmamasdan ang natutulog at nakahiga sa kama na si Xander. May benda siya sa ulo at gano'n rin sa braso. Kanina ko pa siya pinapanood pero kahit minsan, hindi ko siya nakitang gumalaw. Ang sabi naman ni Amara ay huwag na akong mag-alala sa kan'ya dahil ligtas siya at nagpapagaling na. Malungkot na tumayo ako at minabuting bumalik sa silid ng kapatid ko, para tingnan kung nagising na si Ailee. Gusto ko sanang magbantay at matulog sa silid niya para may kasama siya, pero sinabi ni Amara na bukas na lang daw, dahil kailangan kong magpahinga. Nangingitim na raw ang gilid ng mga mata ko at obvious na kulang ako sa tulog. Nakita rin niya kanina na nanginginig ang katawan ko, kaya sinabihan ako ni Amara na huwag ng magbanta

