JAMILLA Sa lobby ako naghintay kay Drake dahil hindi talaga maganda ang aking pakiramdam. Kaunti lang ang kinain ko kaninang umaga kasi antok na antok talaga ako, kaya wala akong ganang kumain kahit pinilit akong kumain ng asawa ko. Pero tinikman ko lang ang niluto niya, at pagkatapos, humingi ako ng kape dahil ito lang ang gusto kong inumin kanina. Sa tingin ko, sumama ang pakiramdam ko dahil bukod sa walang laman ang aking tiyan, ay ilang tasa nang kape ang nainom ko, kaya nangangasim ngayon ang tiyan ko. Kalahating oras akong naghintay at nakaupo dito sa waiting area nang makita kong dumating si Drake. Mukhang nagmamadali siya dahil malaki ang bawat hakbang niya habang papalapit sa akin. Agad rin niyang sinuri ng mga mata ang aking kabuuan nang makalapit siya sa akin at tumigil si

