37

1040 Words

Keisha's POV "San kayo galing?!" Bulyaw ni Patrick sa amin. "Wow! Ang init ng pagsalubong mo sa amin ah?!" Bulyaw din ni Rhea sa kanya. Napa-iling nalang tuloy ako at umupo kasama 'yung ibang lalaki sa dining table. "Kainis!" Ani Rhea at padabog na umupo sa tabi ko. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula nang kumain. Marami ang nakahanda sa dining table. May nakita rin akong chicken fillet at lasagna. Mas lalo tuloy akong natakam. "Dahan dahan lang sa pagkain. Baka mabilaukan ka." Sabi sa akin ni Xander. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Parang sinasabi niya sa aking patay gutom ako ah. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami ng presidential suit para magbihis at maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng jogging pants at oversized white T-shirt.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD