Nathan's POV
Were walking here in this street for almost 3 hours. But still, we couldn't find that heaven power user. Where the hell is he living?
"Tama ba tayo ng daan?" Lance asked.
"Tingnan niyo nga ang mapa, para kasi tayong naliligaw." frost said.
"Oo nga, kanina pa tayo lakad ng lakad dito pero parang dinaanan na natin 'tong lugar na' to." Xander said.
"Yah! You're holding the map upside down!" Vince shouted at lance.
"Chulli." Lance said.
"Ano nang gagawin natin? Baka makasalubong natin dito si mojojo. Wala pa naman akong cellphone number ng power puff girls." Xander said, sadly.
"VINCE? HELP!" I heard lance shouted.
"Where are you?! I can fight on aliens!" Vince shouted also. Tsk. Here we go again to their oh so called 'kalokohan' of them. Psh.
"Tsk, magsitigil na nga kayo. Hindi ito ang oras para maglokohan." frost said.
"Psh, ang sabihin mo lang na gusto mo nang matulog." Xander said.
"Xander asan ka?! Ba't di kita makita?!" Vince shouted.
"Ulol! Nandito lang ako sa harapan mo uy!" Xander said while waving at vince.
"Sorry. Hindi kita nakita, ang liit mo kasi ehh."
"ANG ALIEN AT ANG PANDAK, BOW! Hahaha!" Lance and frost shout while laughing.
"Shut your mouth f*cking people!" I shouted to them. Psh! They are too noisy.
"Patay, galit na ang dragon." I heard Xander whisper to them but I just ignore it.
"Lumayo tayo ng konti baka bugahan tayo ng apoy." Sabay ni Vince. Psh! Isa pa 'to.
"Hanapin nalang natin yung heaven power user." sabi ni Lance kaya nagsimula na naman kaming maglakad ulit.
Lance's POV
"Asan na ba tayoooo?" Reklamo ni Xander.
"Wag ka ngang magreklamo. Malapit na tayo." Sabi ko.
"Pano mo nalaman na malapit na tayo?" Xander
"I can feel his aura, pero medyo mahina lang." Sagot ko. Hindi ko na ulit siya narinig na magsalita kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Teka, papunta 'tong gubat ah." sabi ni vince.
"Delikadong pumasok sa gubat na 'yan."
Lahat kami huminto sa paglalakad nang marinig ang boses na 'yun. Lumingon kami sa likuran namin dahil doon nanggaling ang boses.
Paglingon namin, nakita namin ang isang matandang lalaki na may kargang kahoy sa kanyang likod.
"Bakit po bawal?" Tanong ni Frost sa matanda.
"Lahat ng pumapasok sa gubat na yan ay hindi na nakakalabas pa ng buhay. Bali-balita na may isang mabangis na hayop ang naninirahan sa gitna ng gubat na yan." sabi niya. "Sino at ano ba ang ginagawa niyo dito, mga iho?" Dagdag ng matanda.
"May hinahanap po kasi kaming tao." sagot ni Vince sa kanya.
"Ah ganun ba? Sino naman ang taong hinahanap niyo?"
"Heaven power user, ah basta po. Magpapatuloy na po kami sa aming paglalakbay." sabi ni Xander.
Akmang aalis na sana kami sa daan nang biglang humangin ng malakas to the point na tumilapon kami sa mga puno. Tiningnan ko ang matanda ngunit wala na ito sa kanyang kinatatayuan kanina. Asan na 'yun?!
Third Person's POV
Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ay siyang paglitaw ng isang lalaking mayroong asul na mata at nakasuot ng isang kayumangging kapa na kasing edad lang ng magkakaibigan.
Dahan-dahang tumayo sila Nathan at ang mga kaibigan niya, ramdam parin nila ang pagsakit ng kanilang mga likod dahil sa puno na kanilang binagsakan.
"Sino ka?" Tanong ni Lance.
"Ako si Patrick, ang hinahanap niyong heaven power user."
"Siya? Siya na ang heaven power user?" Sa isip ng mga magkakaibigan
"Anong kailangan niyo sa akin?" Tanong ni Patrick.
"Kailangan mong sumama sa amin, kailangan ka ng academy." sabi ni Nathan
"Bakit?" Tanong ni Patrick.
"Hindi namin alam, pinag-utusan lang kami." sagot ni xander
"Sasama sko sa inyo sa isang kondisyon." patrick.
"Ano 'yon?" Tanong ni frost.
"Siguraduhin niyong magiging ligtas ako do'n." patrick
"Don't worry, that's the safest place on person like you, us." sabi ni Nathan sabay bukas ng portal pabalik sa academy. Pumasok ang magkakaibigan dun kabilang na si patrick.
Patrick's POV
Hindi ko alam kung ano nang nangyayari pero sa palagay ko mukhang mapagkakatiwalaan ko naman sila kaya sumama ako.
"Nandito na tayo!" masiglang bati nung may kulay sky-blue ang buhok.
"Ah, bago ka namin ihahatid kay H.M magpapakilala muna kami. Ako nga pala si Xander."
"Ako naman si Lance."
"Hello! The name of this handsome face in front of you is Vince Guevara." ah, Vince pala ang pangalan nung may kulay sky-blue ang buhok.
"My name is frost."
"Nathan." sabi nung lalaking may pulang buhok at mga mata.
Head Master's office
"Uyy---" Hindi na natapos ni Xander ang kanyang sasabihin nang magsalita si Lance.
"Ako na ang kakatok." Sabi niya at kumatok.
"Come in." sabi nung boses na nasa loob ng opisina.
Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang isang lalaki na mukhang nasa mid40's na nakaupo sa kanyang swivel chair. Siya na siguro ang head master na sinasabi nila.
"Maupo kayo." sabi niya kaya umupo na kami sa sofa ng kanyang opisina.
"How's your mission, boys?" Tanong ni H.M sa mga kasama ko.
"Okay lang naman po." sagot ni Lance.
Tumingin si H.M sa mga kasama ko hanggang sa mapadpad ang tingin niya sa akin.
"Is he the heaven power user?" Tanong niya.
"Yes, he is." sagot ni Frost.
"Then, Welcome to Scarlet Academy..."
"Patrick po." sabi ko.
"Okay, welcome to Scarlet Academy, Patrick." he said while smiling at me.
"Ilan ang powers na kaya mong nang makontrol?"Tanong ni H.M sa akin.
"Air and earth po, and I can also manipulate a body of a person." sagot ko.
"Okay, so you'll be staying and study here starting tomorrow, your dorm number is 1276 and you will be one of the elites students here, you may go now." sabi niya at ngumiti.
"Sige po." sagot ko kaya lumabas na kami sa office at nagsimulang maglakad ulit. Grabeh! Ang laki pala nitong school. Hindi kaya Ako maliligaw dito? Siguro, aabutin ako ng one week para mapuntahan lahat ng mga lugar dito.
Napahinto ako sa paglalakad nang may naramdaman akong kakaiba.
"Ayan na naman yung nakakatakot na aura." sabi ni Vince. Huminto rin pala sila sa paglalakad. Pumikit ako at dinaramdam ang paligid.
"Nandoon." sabi ko at tumakbo papunta sa lugar kung saan ko naramdaman ang pressure, nakitakbo narin ang mga kasama ko.
Maya maya pa ay huminto kami sa pagtakbo ng mapadpad kami sa garden. Nilibot ko ang aking paningin sa buong garden hanggang sa may nakita akong babae na naka-Indian seat at lumulutang sa ere, sino siya?
"Siya na naman, sino ba siya?" Pabulong na tanong ni frost. Mukhang natatakot yata ang mga kasama ko na maistorbo 'tong babae. Well, except kay nathan na wala paring emosyon ang mukha. Naka-side view siya sa amin kaya kahit papaano ay makikita mo ang kanyang maladiyosang mukha, at tsaka nakauniform siya
Nag-aaral siya dito?
Unti-unting bumaba ang babae sa pagkakalutang at tumayo, kinupas niya ang kanyang kaliwang kamay na siyang nagpapahangin ng katamtaman, air user siya.
Pagbaba niya ng kanyang kaliwang kamay ay tinaas naman niya hanggang ulo ang kanyang kanang kamay at may lumabas na isang fire ball na kasing laki lang ng billiard ball, fire manipulator? Pinalutang niya ang fire ball sa ere, ngunit nagulat nalang kami nang biglang naging yelo ang fire ball na pinalutang niya. Ice manipulator? Teka, ilang powers ba ang meron siya? Pagkababa niya ng kanyang kanang kamay ay tinaas niya ulit ang kanyang kaliwang kamay at nagpalabas ng isang maliit na bola na gawa sa tubig. Water user? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari ah. Anong klaseng immortal siya? Sobrang lakas ng aurang nakapalibot sa kanya. Hanggang ngayon hindi parin nawawala ang aura niya na nakapagbibigay sa akin o sa amin ng kaba at takot.
Nadagdagan pa ang takot namin ng lumingon siya sa gawi namin at ngumisi, nagulat kami ng bigla nalang siyang nawala sa kanyang kinatatayuan kaya nagpalinga-linga kami sa paligid pero wala kaming bakas na makita kung nasaan siya, mukhang umalis na siya. Ngunit mas nagulat kami nang bigla nalang siyang lumitaw sa harapan namin ngunit seryoso na ang mukha niya. Napansin ko na napaatras ang mga kasama ko at ako sa takot, napaatras rin si Nathan pero wala paring expression ang kanyang mukha.
"Sino ka?" Tanong ko kahit halos manginig na ako sa takot.
"I'm just... a nobody." sagot niya at tuluyang nilisan ang lugar.
"Nakakatakot siya." sabi ni Lance. Hindi ko pala napansin na kanina ko pa pinipigilan ang aking paghinga.
"Let's go." sabi ni Nathan kaya umalis narin kami sa lugar na 'yon. Nakakatakot nga siya.
***