Michelle's POV Kasalukuyan kaming naglalakad patungong arena ngayon. Kung bakit? Aba'y ewan ko. Pinapatawag kasi ni H.M lahat ng estudyante dito at faculties. Siguro may announcement na naman siyang sasabihin. Nang makarating kami sa arena ay agad kaming umupo sa pinakasulok. 'Yom nalang ang nakikita naming bakante eh. Nang makarating si H.M sa arena ay agad nagsitahimik ang lahat. Nabaling naman ang tingin ko kay Sir Chance na nakaupo katabi ng mga Faculties. Ewan ko ba kung ako lang ba o ano pero may napapansin akong kakaiba sa kanya ngayon. Parang.. kakaiba na ang kanyang aura? Hindi ko nalang 'yon pinansin at binaling ang tingin kay H.M na nakatayo sa gitna ng stage. "Okay, Students. Gusto kong sabihin sa inyo na next week may magaganap na ball. Are you excited?" Nagtilian nam