Michelle's POV Kasalukuyan kaming naglalakad patungong head master's office. Pagkarating namin ay kumatok muna si Sofia ng tatlong beses. "Come in!" Sigaw no'ng nasa loob kaya pumasok na kami. Pagkapasok namin ay nadatnan namin si HM na nakaupo sa kanyang swivel chair. Nang makita niya kami at binigyan niya kami ng isang ngiti. "Please be seated," sabi niya kaya umupo na kami. "Okay, kaya ko kayo pinatawag dahil gusto kong ipaalala sa inyo na gusto kayong makita ng mahal na hari at reyna," pagkasabing pagkasabi niya nun at automatic na napatingin kami sa kanya. G-gusto kaming makita ng mahal na hari at reyna? Why? "Ang sabi nila, gusto lang daw nila kayong imbitahan sa palasyo mamayang gabi. Doon na daw kayo mag di-dinner." A-ano daw? Bakit naman kami yayayain ng reyna at hari na