EMILIANA "A-Anong ibig niyong sabihin? Paanong hindi?! Gawin ninyo ang lahat para bumalik ang aking paningin! Kaya nga kayo napunta sa ganitong trabaho para magpagaling, hindi ba?! Para gawin nang maayos ang inyong trabaho! Hindi ko tatanggapin ang sinabi mo na hindi na muling makakakita pa ang isa kong mata! Hindi maaari! Hindi!" "Huminahon ho kayo. Alam ko pong napakahirap nitong tanggapin ngunit wala na po kaming magagawa. Nagsagawa na po kami ng maraming pagsusuri sa inyong kaliwang mata upang malaman natin kung maaari pa naming maisalba ito, ngunit wala na po talagang pag-asa. Masyado pong malalim ang natamo ninyong sugat. Tao lamang kami katulad ninyo, hindi ho kami gumagawa ng himala." Pumantig ang dalawa kong tenga sa narinig. Umayos ako ng pagkakaupo, mas lalong dinuro iyong Do