Ngayong gabi, hindi maaaring sumikat ang araw kinabukasan nang hindi nadidiligan ng dugo ang lupang pagmamay-ari ng mga Rimas. Pakakawalan mo ang kawan ng kalabaw, wag mo ring kaligtaan ang mga manok. Ang matandang Patricio ang siyang alay ngayong gabi. Sapat na ang kanyang buhay upang mag-iwan ng banta sa hambog na mag-asawang iyon. Ikaw na ang bahala sa tauhang gagamitin mo. Kinausap ko na ang pamilya ni Patricio, sinulsulan na rin sa mangyayaring lagim. Wag kang mag-alala, walang bakas na magtuturo sa iyo o sa akin. Iyon ay kung aayusin mo ang trabaho mo. Umaasa akong makatatanggap ng magandang balita, Dante. Nagmamahal, Crisanto NANGYARI ang propesisya ng matandang Alvarado. Habang nawiwili ang lahat sa kani-kanilang panaginip, kumilos ang dalawang inupahang tao ni Don Dante Valenc