KAPITOLO 25: SIKRETO

1657 Words

EUFRECINA Natapos na ang buong maghapon. Kahit marami kaming nag-ani ngayong araw, hindi pa rin namin naabot ang kalahating ektarya. Masyadong mainit ang panahon, nagpahinga rin ako ng dalawang oras dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng aking asawa. Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi na ng bahay. Pinauna ko na ang dalawa naming anak para makapagsaing na. "Ayos lang ako. Pwede bang ikaw na lang ang bumili ng ulam para ngayon?"  Tumango ito. "Ihahatid na muna kita sa bahay bago ako umalis." Hindi ko sinang-ayunan ang suhestyon nito dahil aabutin siya ng dilim. "Mauna ka na, malapit na lang naman ang lalakarin ko. Sige na, at bilhan mo na rin ng pasalubong 'yong mga bata, ha?" "Aba syempre naman. Hindi ko makakalimutan iyon," wika nito. Bago kami mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD