MILDRED Naging ulila ako sa murang edad. Wala pa akong maintindihan no'n kung bakit ang barong-barong naming tirahan ay naging mansyon. Tuwang-tuwa ako dahil pinapangarap ko lamang noon na makatapak sa magarbong lugar, ngunit ang saya na nadama ko ay mabilis na nalusaw. Ang inaakalang magandang buhay ay isa pa lang bangungot. Noong mawala ang aking mga magulang, wala akong natanggap na balita kung ano ang tunay na nangyari sa kanila. Walang nagsabi sa akin, simula noong araw ng kanilang pagpanaw, paglibing at magpahanggang ngayon. Kung hindi ko pa kinulit ang isa sa mga katulong na kasamahan ko sa pamaahay ni Don Crisanto, hindi ako makakakuha nang katiting na impormasyon. Namatay sila habang nagtatrabaho. Hindi ko makalimutan ang kakarampot na salitang iyon, ngunit binago no'n nang