AQUILINA "Kumain ka kahit kaunti lang, sige na. Natunaw na ba ang yelo? Papalitan ko na para maidampi mong muli dyan sa namamaga mong pisngi," wika ni Nanay Badeth. Hindi ko man lang binalingan ng tingin ang dinala nitong pagkain at wala rin akong balak na galawin iyon. "Anak, sige na. Alam mo namang hindi sinasadya ni Donya Salume ang saktan ka. Sa susunod ay makinig ka na lang sa kanyang sasabihin para hindi na ito maulit. Sa susunod na araw na ang iyong kaarawan kaya hangga't maaari ay wag ka munang gumawa ng kahit anong ikakagalit niya." Hindi ako kumibo, umakto ako na walang narinig. Ngayon ko lang napagtanto na wala talaga akong kakampi sa bahay. Nakakalungkot man pero gano'n talaga siguro dahil bata pa ako para sa kanila at ang desisyon ko ay walang ibang patutunguhan kung hindi