AQUILINA Ito na ang huling araw ng linggo, maaga kaming umalis nina ama at ina upang magtungo sa simbahan. Maraming tao sa bayan dahil palengke ngayon. Nakakatuwa dahil kahit linggo-linggo naman kaming nagtutungo rito ay pakiramdam ko matagal akong hindi nakabisita. Siguro dahil maraming nangyari. At isa pa, masyadong napukol ang atensyon ng pamilya ko sa aking kaarawan na gaganapin sa susunod na araw. Hindi ko mawari kung ako ay dapat na masabik o dapat matakot sapagkat sa gabing iyon ipapakilala ni ina si Crisostomo. Ako'y nababahala sa magiging reaksyon ni Basilio. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa magaganap sa aking kaarawan. Kaya ngayon, isa sa mga hihilingin ko sa Panginoon ay naua bigyan niya ako ng gabay sapagkat hindi ko ito kaya ng wala ang kanyang kapangyarihan. M