MILDRED "Gusto mo na bang umuwi? Paano kung ayaw ko?" Tiningnan ako ni Edgardo na para bang tinatanong niya kung ano ang pinagsasasabi ko. Bakit ba kasi nag-aaya na siyang umuwi, sabi naman ng Doktor kahit bukas na siya lumabas. Pwede naman siyang magpahinga rito dahil mas maganda iyon. Matututukan siya ng mga Nars kung sakaling sumakit iyong sugat niya. "Pero iniisip ko kasi si Basilio, kung ano na ang nangyari sa kaniya. Paano kung nahuli siya no'ng tiktik ni Donya Salume? Saan siya dadalhin no'n? Paano na si Aquilina? Paniguradong naghihintay iyon." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Problemahin mo ang sarili mo. Naayos ko na iyong kay Aquilina. Si Basilio na lang ang dapat nating problemahin dahil hindi ko rin alam kung nasaang lupalok na siya ng mundo." "Paano mo naayos ang kay Aqu

