DON IGNACIO "Anong gagawin natin ngayon? Susundan na ba natin si Jhonny? Paano kapag napahamak siya? O kaya nasundan ni Mercado," nag-aaalalang wika ni Basilio. Kasalukuyan kaming nakasalampak sa sahig dahil pare-pareho kaming pagod. may tama kami sa katawan, ngunit bugbog lamang ang aming natamo maliban kay Edgardo na kaagad na isinugod sa Hospital upang magamot ang sugat nito sa balikat. "Huminahon ka, Basilio. Paniguradong patungo na rito si Jhonny. Hindi niya pababayaan iyong dalawa, poprotektahan niya sila kahit pa buhay niya ang maging kapalit," tugon ko. Hindi na ito kumibo. Ang katahimikan sa pagitan namin ay mas lalong nagpapalaki ng aking pag-aalala. Kahit na sinabi ko kay Basilio na huwag siyang mag-alala, hindi lang iyon para sa kaniya kung hindi para na rin sa akin. Hindi

