MILDRED Tuluyan nang kumagat ang gabi, kasabay niyon ang pagkabasag ng aking pag-asa, ng aking pamilya. Maraming naglalakad sa aking harap. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung ano ang ginagawa ko rito. Umiiyak ako nang mag-isa. Walang pake ang mundo sa aking nararamdaman. Kahit nga ang kalangitan ay hindi man lang makisimpatya, sa huli...ako lang ulit mag-isa. Baon ko ang huling salita ng aking mama. Ang kalungkutan sa kanyang mga mata...ang naghihingalo niyang hininga. 'Patawarin mo ako, Mildred ngunit hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako. Kapag patuloy pa akong kumapit sa relasyon namin ng iyong papa ay mauubos na ako. Baka ikamatay ko na, Mildred. Puno na ng sugat ang aking kamay sa kakakapit. Pagod na mga mata ko sa kakahintay sa kanya tuwing gabi. Durog na ang puso ko, saw