DONYA SALUME "Hahahaha! Wala tayong dapat na ikatakot dahil hindi naman tayo malalamangan ng gurang na iyon kahit pa magsanib pwersa sila ni Dante. Lulugmok at lulugmok pa rin sila sa paahan ko," mayabang kong usal habang nakaharap sa lima kong tauhan na siyang nagbabantay sa aking mga lupain. Tumalikod ako sa kaniya, nakapameywang dahil inaatake ako ng gigil. Hindi ko inaasahan na darating ang balitang ang lupang binili nina Don Dante at Don Crisanto sa kabilang bayan ay patatayuan ng malaking establisyimento. Kung hindi ako nagkakamali, triple ang benta nila sa lupang iyon at ang nakabili ay isang mayamang Chinese. "Sana nga po ay ganoon ang mangyari. Ngunit paano po kapag lumapit sa iyo si Don Crisanto upang bawiin ang lupang isinanla sa inyo? Sayang naman po at aanihin niyo na ang

