Ilang minuto lang ang itinagal namin sa sasakyan at narating na namin ang bayan. Kahit na ako'y kasalukuyang nagkukunwari, tunay ang ngiting lumabas sa aking labi noong makita ko ang makulay na mga banderitas at naggagandahang mga palamuti na nakasabit sa labas ng kubong mga bahay. Makikita mo ang tunay na kaligayahan sa mata at ngiti ng mga tao. Malakas na tugtugin, kahit hindi ako pamilyar sa lengguwahe ng kanta, napapapalakpak ako sa indayog ng mga sumasayaw sa gilid ng daan. "Hindi ba't napakamasayahin ng mga tao sa lugar na ito, hindi ba, Aquilina?" tanong ni Crisostomo. "Siyang tunay. Ano nga ulit ang pangalan ng bayang ito?" tanong ko, patuloy na nakatingin sa labas. Naghahanap ng mapaghihintuan ng sasakyan si Alfonso, iyong tauhan ni Crisostomo. "Nasa bayan tayo ng Pili, isan

