AQUILINA PAGKATAPOS naming ihatid si Don Dante sa punerarya, inaya ko nang umuwi si Basilio. Ibinigay na lang namin ang responsibilidad sa mga pulis dahil hindi ko na kaya pang tingnan ito na ibinabalandra sa harap namin ang matatag nitong mukha kahit na sa loob-loob ay durog na durog siya. Hindi matapos-tapos ang pag-aalala ko sa kaniya, hindi ako mapakali. Katulad ni Don Dante, kapwa nila itinago hanggang huli ang kani-kanilang tunay na saloobin, at iyon siguro ang nakuha ni Basilio sa kaniyang ama. Nasa loob na kami ng sasakyan, nilulunod ang mga sarili sa katahimikan. Inaaliw ang sarili sa kaniya-kaniyang mundo. Magkahawak ang kamay namin ni Basilio ngunit malayong naglalakbay ang kaniyang isip at atensyon. Nalulungkot ako katulad niya... nalulungkot ako dahil hindi nila naisalba an

